Advertisers

Advertisers

Duterte humirit ng interim release sa ICC

0 18

Advertisers

OPISYAL nang naghain ng interim release ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) at malagay sa hindi na binanggit na bansa.

Ayon sa kaniyang abogado na si Nicholas Kaufman, mayroong isang hindi na binanggit na bansa ang nagpahayag na tanggapin ang dating pangulo.

Nakasaad sa inihain na petisyon ni Kaufman, na hindi naman maselan ang kalagayan ni Duterte para mag-flight at natitiyak ang pagdalo nito sa mga mga pagdinig sa korte.



Naniniwala ito na hindi papahiyain ni Duterte ang bansa na nais kumupkop sa kaniya.

Ang hindi na binanggit na bansa ay state party sa Rome Statue na ang tratado ay itinaguyod sa International Criminal Court (ICC).



Giit din ng abogado ng dating pangulo na hindi naman kumontra dito ang prosecution.

Umaasa sila na maaprubahan ng ICC Pre-Trial Chamber ang kanilang hirit na interim release.



Matatandaang noong buwan ng Marso nang makulong ang dating pangulo sa ICC Detention Center sa Scheveningen, The Hague Netherlands dahil sa crime against humanity.