Advertisers

Advertisers

Sharon at Sen. Kiko inatras na ang libel case vs Cristy; Sen. Bong tila nawalan ng ermat sa pagkamatay ni Manay Lolit

0 12

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA ang dating senador na si Bong Revilla sa bumisita sa burol ni Manay Lolit Solis. Bukod kasi sa isa siya sa mga alaga ng namayapang talent manager, sobrang malapit ang una sa huli na itinuturing niyang parang isang tunay na ina si Manay Lolit.

Kaya nang kumustahin si Bong kung anong pakiramdam na namaalam na ang kanyang manager, ang sagot niya,”I can’t say naman na I’m okay, trying to be okay. ‘Yan ang buhay. Kaila­ngan move on tayo. Chapter ng buhay ‘yan, kasama si Nanay Lolit. Buksan naman natin bagong chapter ng buhay natin.

“But, syempre lahat naman tayo nagluluksa dahil sa pagkawala ni Nanay Lolit. Hindi lang ako nawalan ng manager kundi nawalan ako nang para kong nanay, so mabigat sa dibdib.

“Sa rami ng mga pinagdaanan ko, siya ‘yung tagapagtanggol ko, siya ‘yung nagpapalakas ng loob sa akin, siya ‘yung mga nag-a-advise sa’kin kung papano maging matatag. Pero ganon pa man, nagpapasalamat ako sa kanya. Ang laki ng hirap niya sa akin.”

Sa tanong naman kung may pagkakataon na nag-away sila ni Manay Lolit, ang sabi niya,“No, never naman. Wala akong natandaan. Pinapagalitan niya ako ‘pag natsitsismis ako. Siyempre pinagtatanggol niya si Lani (Mercado, misis niya).”

***

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

INURONG na ng mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ang cybel libel case na isinampa nila sa veteran entertainment columnist at TV host na si Cristy Fermin.

Sa kanyang Facebook at Instagram account, nagbahagi si Mega ng mensahe para sa pagbabati nila ni tita Cristy at kung ano ang nararamdaman niya pagkatapos nilang iatras ang kaso laban dito.

“‘Di basta naitatapon at nalilimot ang pagkakaibigan. Napakadaling ipagpatuloy ang pagmamahalan!

“My heart is so happy and at peace,” nakasaad sa post ng actress-singer.

Sa pag-urong nga ng kaso ni Sharon kay Tita Cristy, marami ang pumuri sa kanya. Isa rin siguro sa dahilan ay nagpakumbaba si tita Cristy. Nag-public apology siya kina Sharon at Sen. Kiko sa pamamagitan ng kanyang online show. Inamin niya na nasaktan niya ang mag-asawa at humingi nga siya ng kapatawaran.

Narito ang reaksyon ng mga FB followers ni Sharon sa ginawa nila ni Sen. Kiko na iatras ang kasong isinampa nila kay tita Cristy.

“Korek Basta may pinagsamahan khit Anong Unos Ang dumaan kung nandito ka sa puso nya.”

“Mas pinili ang katahimikan para mas magkaroon ng peace and justice. Congrats Shawie and Sen.”