Advertisers

Advertisers

Kyline wala sa isip ang maghiganti kay Kobe; Giselle nagsisi sa pagganap na Cory sa MIM

0 17

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HINDI nagsasalita si Kyline Alcantara kung ano ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Kobe Paras ilang buwan na ngayon ang nakalilipas kahit pa nga kaliwa’t kanang batikos ang naranasan niya.

Katwiran niya, “I do not owe the world my heartbreak. So, sa akin yun,” sabi ni Kyline sa panayam.

“My heart is good, it’s better now definitely, with the help of everyone around me.

“Nasaktan mo man ako, I will always show grace. And I will never fight back publicly, and I will never speak up about whatever is happening in my private life publicly,” aniya pa.

Mas pinili raw niyang manahimik tungkol sa nnangyari dahil naniniwala siyang, “I do not need to prove myself to anyone.

“I do not need any validation galing sa kahit na kanino, especially the public. I know that I am a public figure, but I’m not public’s property.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

“I will never fight back because alam ko yung karma o yung revenge manggagaling yan sa ating Panginoong Diyos,” sabi pa ng dalaga.

Hindi rin siya naniniwala sa paghihiganti, “No po. No talaga. Kasi alam ko rin naman, kung sino man ang nakasakit sa akin, mahal rin naman siya ng ating Panginoong Diyos.

Alam ko na mabuti siyang tao, as a person. Alam ko na may kabutihan siya sa puso niya. So, never po talaga.

“And again, si God na po ang bahala du’n because He saw what I didn’t see. He heard what I didn’t hear. So, siya na po yun. I’ll just move on,” paliwanag pa ni Kyline.

***

INAMIN ni Giselle Sanchez na nagsisi siya kung bakit tinanggap niya ang gumanap bilang Cory Aquino sa pelikulang Maid In Malacanang na ipinalabas noong 2022, kung saan kaliwa’t kanang batikos ang naranasan niya mula sa mga tagasuporta ng pamilya Aquino.

“Pinagsisihan ko yun. Di ba nga sabi nila, ‘Giselle, U.P. ka, bakit mo ginawa yun?’ Ganu’n.

“Di ko inisip, e. Sana inisip ko nga naman na taga-U.P. ako, sana inisip ko yung bansa ko bago ko tinanggap yun. Kasi iniisip ko lang, ‘Artista ako,’” pahayag ng aktres sa panayam ng programang “Long Conversation: The Men’s Room” ng One News.