Advertisers
Pinatay sa sakal ng 13-anyos na batang lalaki ang Grade 3 student na natagpuang walang saplot sa katawan sa madamong Lugar sa bakantemg lote sa Quezon City nitong Linggo ng hapon.
Batay sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 5:30 ng hapon nitong Linggo (August 3) nang matagpuan ang bangkay ng 8-anyos na batang babae na walang saplot sa bakanteg lote sa Balbuenna Compound, Brgy. Sta Lucia sa lungsod.
Nakita sa tabi ng bangkay ang kaniyang underwear at short pants at isang patalim.
Ayon sa pulisya, nasa kostudya na nila ang 13-anyos na lalaki na si alyas “JD’ na umamin na napatay niya sa sakal ang biktima na si alyas” KL” pero hindi nito sinabi kung ginahasa niya ito.
Sa imbestigasyon ni P/SSg. Angel T. Pascasio III, nitong Sabado, 2:00 ng hapon huling nakita ng kaniyang mga magulang na naglalaro pa ang anak ‘di kalayuan sa kanilang tahanan.
Bandang 8:00 ng gabi, napansin ng mga magulang na hindi pa umuuwi ang biktima kaya hinanap nila ito.
Matapos ang ilang oras na paghahanap at nang di makita ang biktima ay agad na nila itong inireport sa kanilang barangay officials at sa mga pulis.
Nagtulong-tulong na sa paghahanap ang mga tanod at mga pulis hanggang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bakantemg lote sa nasabing lugar.
Sa CCTV, nakitang huling kasama ng biktima si JD na agad namang umamin na siya ang may kagagawan ng krimen subalit hinala ng mga awtoridad na may kasama pa itong iba.
Patuloy ang imbestigasyon at inaalam pa kung pinagsamantalahan ang biktima. (Almar Danguilan)