Advertisers
Upang maiwasan ang pagbaha ngayong tag-ulan, nagsagawa ng drainage cleaning ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa Barangay Palasan.
Pinangunahan ng Valenzuela LGU ang operasyon, katuwang ang City Engineering Office at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Layon ng aktibidad na masiguro ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pag-ipon ng basura at bara sa mga kanal.
Bahagi ito ng patuloy na flood mitigation program ng lungsod upang mapanatiling ligtas ang mga residente sa banta ng pagbaha.
Patuloy din ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa iba pang ahensya para sa mga hakbang na nakatutok sa kalilinisan at kaligtasan ng komunidad.(Beth Samson)