Advertisers

Advertisers

Masuwerte ang mamamayan ng Albay 3rd District kay Cong. Salceda!

0 26

Advertisers

Kung sa akala nyo mga Ka Usapang HAUZ eh ang Economist expert na si Congressman Joey Salceda ang atin pong bibigyan ng papuri hindi po siya dahil kumbaga sa timba ay umaapaw na ang nagawa nito sa buong Lalawigan ng Albay, bigyan nating ng pansin ang kanyang pamangkin.

Masuwerte ang Usapang HAUZ at isa sa naimbitahan ni Albay 3rd District Representative Raymond Adrian Salceda para ihayag nito ang kanyang plano para sa hinaharap ng mamamayan sa ikatlong distro ng Lalawigan ng Albay.

Plano ng Rookie Congressman Salceda na ilapit ang mamamayan sa resources ng gobyerno at gamitin ito nang sa gayon ay umangat ang pamumuhay ng bawat pamilya.

Pinunto ni Salceda ang mga dapat kailanganin para sa pagpapaunlad ng 3rd district isa na rito ang pagpapagawa ng kalsada, pagsasaayos ng mga pantalan kabilang pa ang Hospital at paggawa ng mga makabuluhang batas.

Nitong nakalipas na buwan mga Ka Usapang HAUZ ay personal na nagsadya si Cong. Salceda sa tanggapan ni Department of Public works and Highway (DPWH) Secretary Manuel Bonoan para isulong ang isang comprehensive infrastructure plan, bukod pa ang mga plano nito hinggil sa usaping pangkalusugan kung saan ang tanggapan naman ni Department of Health Secretary Garin ang kanyang tinungo.

Binida rin ng batang kongresista ang patuloy ang pagsasagawa ng mga wind project sa mga bayan ng Pio Duran, Ligao, Libon at Guinobatan, nakatakda na rin ang gagawin nitong pagpupulong sa mga tanggapan ng TESDA, DOLE at DOH at iba pa.

Sa kasalukuyan bibigyan ng prayoridad ng Mambabatas ang pinaka-Urgent ay ang Zero casualty policy kung saan isang malaking bentahe para sa mamamayan ng 3rd district ng Albay dahil sa pagiging Doctor ng kanyang Chief of Staff na si Dr. Cedric Daep.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Dahil panahon o buwan sa ngayon ng bagyo kung kaya’t pinaghahandaan na rin ng Team Salceda ang pagbabalot ng mga relief packs mula sa tulong ng DSWD nang sa gayon ay mabilis ng mailikas ang maaapektuhan ng kalamidad tulad ng bagyo.

Ipinagmalaki rin ni Salceda ang pagkakaroon na ng pondo ang kanyang distrito pagdating sa pangangailan hinggil sa medical assistance
kung saan ayon dito ay ang 3rd district ng Albay ang siyang may pinakamalaking budget ang natanggap mula sa DoH.

Magkakaroon na rin ng LTO Extension sa Bayan ng Polangui at magiging operational ngayong taon matapos na personal ring nakausap ni Salceda ang DOTR Secretary Vince Dizon, may mga long term plan din ang Mambabatas mga Ka Usapang HAUZ tulad ng Hangin Road para sa wind farms nasa 837 megawatts ang wind projects na itinayo ng DOE kung saan ang hangin road ay magsisilbing link ng wind farms sa Pantao Port at sa Bicol International Airport.

Presidential proclamation na lang ang hinihintay para sa Pantao Ecozone kung saan patapos na ang site acquisition ang PEZA, habang isusulong rin ni Salceda ang Pantao Super Agricultural Port na personal na prayoridad ni DA Secretary Tiu Laurel.

Kasama rin sa balakin ni Salceda na magkaroon ng kasagutan ang matagal ng problema ng taga 3rd district ng Albay ang malawakang pagbaha dahil ang kanilang lugar ay siyang catch basin kung kaya’t isasangguni niya ang problema sa mga eksperto hinggil sa proyektong flood control system na dapat de kalidad.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036