Advertisers

Advertisers

SWS: P12K kada buwan kailangan ng Pinoy para mabuhay

0 4

Advertisers

NANGANGAILANGAN ang mga pamilyang Pilipino ng P12,000 kada buwan upang mabuhay at hindi maghirap batay sa latest Social Weather Stations survey. Gayunman, ang pamilyang Pinoy na naninirahan sa Metro Manila ay dapat mas mataas sa dalawampung libong piso ang buwanang budget para mabuhay ng maayos.

Nakasaad din sa survey ng SWS na ang minimum monthly budget ng pamilyang Pinoy para hindi masabing sila ay mahirap ay tumaas sa P12,000 ngayong taon mula sa P10,000 sa huling quarter. Ayon pa sa survey, ang pagtaas ng minimum monthly budget ng pamilyang Pilipino ay epekto ng pagtaas ng halaga ng pagkain, pamasahe at mga bayarin tulad ng kuryente at tubig.