Advertisers
Nasawi ang isang guro nang pamamaril ng armadong lalaki sa Balabagan, Lanao del Sur nitong Lunes ng umaga, Agosto 4, 2025.
Kinilala ang biktima na si Danilo Barba, ng Balabagan Trade School sa Balabagan, Lanao del Sur.
Sa ulat, papunta sa paaralan ang gurong si Barba ng lapitan ng salarin at pinagbabaril.
Agad na tumakas ang gunman, iniwang nakahandusay ang biktima na agad na namatay sa mga tama ng bala sa ulo.
Inaantabayanan pa ang ulat ng Balabagan Municipal Police Station hinggil sa insidente.
“Na may matinding kalungkutan at matinding galit na kinumpirma ng Schools Division Office ng Lanao del Sur II ang hindi napapanahong pagkamatay ni G. Danilo Barba, isang dedikadong guro ng Balabagan Trade School.
Mariin naming kinokondena ang walang kabuluhan at marahas na pagkilos na ito na kumitil sa buhay ng isang tagapagturo na nagtalaga ng kanyang sarili sa paglilingkod sa aming mga mag-aaral at sa komunidad. Walang lugar sa ating lipunan ang kalupitan, lalo na laban sa mga may misyon na pangalagaan at iangat ang buhay ng iba sa pamamagitan ng edukasyon,” pahayag ng pamunuan ng paaralang pinaglilingkuran ni Barba.