Advertisers
PATAY ang isang titser at mister nito nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng tricycle kasama ang kanilang paslit na anak sa bahagi ng Barangay Patong, Magsingal, Ilocos Sur, Sabado ng umaga.
Kinilala ang nasawi na sina Maynard Unciano Torreno, 33 anyos; at misis nito na si Mary Rose Tabag Torreno, 32, isang guro.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay sa tricycle ang mag-asawa na minamaneho ng mister, kasama ang kanilang 9-anyos na anak, nang sumulpot ang magkaangkas na lalaki na nakasuot ng bonet at pinagbabaril ang mag-asawa, 8:40 ng umaga.
Agad tumakas ang mga sa-larin matapos ang pamamaril, habang mabilis na naisugod sa pagamutan ang mag-asawa subali’t pareho ring binawian ng buhay.
Sa ulat, nagtamo ang mag-asawa ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan, sanhi ng kanilang agarang kamatayan.
Mapalad naman na hindi tinamaan ng bala ang 9-anyos na anak ng mag-asawa.
Nakarekober ang mga awtoridad ng mga basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.