Advertisers

Advertisers

“ESKANDALO” SA ‘GAPO OCP? DOJ DAPAT NANG UMAKSYON

0 5,771

Advertisers

NAGKAROON umano ng “eskandalo” noong Biyernes,  sa Olongapo City Prosecutor’s Office (OCP), matapos “sumugod” doon si ‘Jopay’ ang dalagita (17-anyos) na kinasangkapan ng umano’y ‘Subic Syndicate’ upang palabasing ‘rape victim’ nang isang ‘long-time foreign locator’ sa Subic Free Port na binabalak naman nilang ‘i-blackmail’ ng P50 milyon.

Sa mga nakasubaybay sa ating pitak, marahil pamilyar na kayo sa ating serye ng pagbubulgar sa eskandalong ito? Eh, ituloy ang pagsubaybay, hane?

Kamakailan, himalang “nakatakas” si Jopay sa mga “dumukot” sa kanya matapos ang higit 5-buwan na pagtatago sa kanya at nakauwi na sa kanyang pamilya sa Bataan. Si Jopay ay mula sa Tribo ng Aeta.

Aniya, matinding ‘trauma’ at ‘physical and mental torture’ ang dinanas niya sa buong panahon ng kanyang detensyon kung saan “nakunan/naagasan” pa siya sa kanyang dinadalang sanggol noong Abril.

Kasama sa ibinulgar niya, Prosecutor General Richard Fadullon, ay HINDI siya kailanman nagpunta sa Olongapo OCP upang magsampa ng reklamo laban sa inakusahan, partikular noong Pebrero 13, petsa na tinanggap ng Piskalya ang reklamo. Peke umano ang kanyang pirma sa pekeng reklamo, period!

Ganito rin ang patotoo ng kanyang ina na nagpunta na sa Olongapo OCP noong Marso 20, upang ipaalam na HINDI rin siya ang nagsampa ng nasabing reklamo at peke rin ang kanyang pirma.

Kung “sana” ay ginawa ng mga kasamahan ni City Prosecutor Charlie Yap – Deputy Prosecutor Ria Niña Leonor Sususco at Associate Prosecutor Lilia Elizabeth Hinanay-Escuso—ang kanilang trabaho, hindi na sana humantong sa pagsugod ni Jopay kahapon para hanapin sila at komprontahin.

Simple lang ang dapat nilang ginawa: ibinasura ang pekeng reklamo—pero hindi nila ginawa at binalak pa ring “tuluyan” ang akusado.

Sinugod naman sila ni Jopay dahil nga kung ginawa nina Sususco at Escuso ang kanilang trabaho, hindi na marahil umabot sa higit 5-buwan siyang mistulang bilanggo sa kamay ng mga suspek.

Mabuti na lang din at umaksyon ng DOJ at ipinalipat ang ‘venue’ ng imbestigasyon sa Cabanatuan. Kung nagkataon, “lutong macaw” sana at nakakulong na ngayon ang aksusado—habang “nganga” naman si Jopay at pamilya dahil tapos na silang “gamitin” ng sindikato.

Simple lang ang gustong malaman ni Jopay: dahil hindi nga sila ng kanyang ina ang nagsampa ng reklamo, “sino” ang mga taong pinasumpa nitong si Escuso?

At bakit “itinago” sa kanya ni CP Yap ang kanyang mga kasamahan? Hindi ba karapatan ng sino man na makilala ang piskal na nagsabing nakausap at nakaharap siya kaya kinatigan ang reklamo?

Bagaman hindi pa tapos sa pag-aaral, alam ni Jopay na ang aksyon ng Olongapo OCP ay mali, wala sa hulog, labag sa batas.

Patuloy na lumalaki ang eskandalong ito at dapat lang marahil na makiaalam na dito ang mga kaibigan natin sa DOJ upang hindi tuluyang masira ang kredibilidad ng sistema ng ating hustisya, tama ba, Secretary Boying ‘My Bossman’ Remulla?

Abangan!