Advertisers

Advertisers

Heart mas malaki ang lips kaysa Anne

0 18

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAG-birthday shoot si Herlene Budol, kamakailan kung saan siya ay 26 years old na.

Ibinahagi niya ang kanyang milestone ng mga magagandang larawan mula sa kanyang birthday shoot na ang photographer ay si Amanda Claire.

Sporting blonde ang buhok at chic na damit ang awra ng birthday girl at very confident na nag-pose habang binabalandra niya ang kamangha-manghang hitsura.

Kasabay ng mga magagandang larawan, nagdagdag si Herlene, nilagyan niya ito ng caption: “20 something!! Happy birthday sa babaeng may something.”

Pinaulanan tuloy siya ng birthday greetings ng kanyang mga tagahanga.

Si Herlene Budol ay nakilala bilang ‘Hipon Girl’.

Nadiskubre siya nang sumali bilang contestant sa Wowowin, ang programa ni Willie Revillame.

Natuwa si Kuya Wil sa kanya kaya kinuha niya ito bilang guest lady co-host ng game show.

Dahil may pagka-komedyante kaya nagustuhan siya ng mga manonood na kinalaunan ay pinasok na rin ang pag-aartista.

Dahil may angkin na kakaibang ganda ay sumali na rin siya sa beauty pageant at naging first runner-up sa 2022 Binibining Pilipinas pageant kung saan humakot din siya ng special awards.

Nakoronahan din siya bilang Miss Philippines Tourism 2023 sa katatapos na Miss Grand Philippines pageant.

Nang lumaon nag-concentrate na siya sa larangan ng pag-arte sa pangangalaga ng GMA-7.

Ang dating ‘squammy girl’ tulad ng lagi niyang sinasabi noon sa programa ni Kuya Wil ay malayo na ang narating.
***
SI Nadine Lustre ang nanalong Best Supporting Actress sa nakaraang 73rd FAMAS 2025 na ginanap last Friday sa Manila Hotel.

Bale ikatlong award na ito ng aktres sa nasabing prestigious award giving body.

Nanalo siya ng Best Supporting Actress award para sa pelikulang “Uninvited,” kung saan kasama niya ang mga icon na sina Vilma Santos at Aga Muhlach.

Tinalo niya ang iba pang aktres, tulad nina Isabel Sophie Ng, Eugene Domingo, Alessandra de Rossi, Claudine Barretto, at Mylene Dizon.

Sa tagal ng kanyang karera, nanalo siya ng Best Actress awards mula sa Asian Academy Creative Awards 2019, FAMAS Award noong 2019 at 2023, Gawad Urian Award 2019, Metro Manila Film Festival 2019, at Star Awards for Movies 2024.

Sa kanyang acceptance speech, ipinahayag niya kung gaano siya nagpapasalamat sa pagiging nominado kasama ng mga alamat ng industriya.

Iniaalay niya ang kanyang award sa Mentorque, ang production company ng pelikula, ang kanyang pamilya, mga tagahanga, at ang VIVA.

Espesyal din niyang binanggit ang boyfriend na si Christophe Bariou.

Aniya sa kanyang acceptance speech:

“Medyo matagal na rin po ako sa industriya pero marami po akong napagdaanang ups and downs. I spent a lot of time and years waiting for the right break,” she recalled. Inamin niya na may mga pagkakataong gusto na niyang sumuko dahil parang imposibleng makamit ang kanyang mga pangarap.

“Gusto kong pasalamatan ‘yung sarili ko dahil medyo mahirap din naman po ‘yung pinagdaanan namin. Gusto kong pasalamatan na kahit ano mang mangyari, ginawa ni Nadine lahat ng kaya niya, in all the ways that she can para maabot ‘yung dream na ‘yon,” wika pa niya.
***
NAGKASAMA sina Heart Evangelista at Anne Curtis sa Thailand para sa isang event.

Hangang-hanga ang netizens sa magandang samahan ng dalawang actress.

Ani Heart sa kanyang IG Stories, ‘Margaret and Stephanie Take Thailand.’

“Aquarius szn came early, ” post naman ni Anne sa kanyang IG.

Komento ng mga fans:

“40s pero ang gaganda at bata pa rin nila tignan.”

“super ganda ang charming ni Anne. Iba ung appeal grabe”

“Masaya ang aming puso ni Margaret at Stephanie.” (Ang karakter nila sa Hiram)

“Ito ang mga legit fashionista and kikay since teens!”

“Heart x Anne para sa Tiffany & Co. Galing!”

“Dapat nilang muling likhain ang kanilang Hiram teleserye photos.”

“Yung mas malaki na lips ni Heart kesa kay Anne hahahaha fillers pa more”

“Stephanie and Margaret ng Hiram, ang queen ng teleserye noon”