Advertisers

Advertisers

Alden dinedicate ang award sa may mga mental health isyu; “Actress na ako, God! — Rochelle

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

WAGI si Alden Richards bilang Best Single Performance by an Actor sa katatapos lang na Star Awards For TV, na ginanap noong Sunday ng gabi sa VS Hotel.

Sa kanyang acceptance speech, dinedicate niya ang award sa mga taong may mental health.’Yun kasi ang role niya sa Magpakailanman, na siyang nagpanalo sa kanya dahil nagampanan niya ito ng buong husay.

“I dedicate this award sa mga may mental health problems,”abi niya

“For me to send the message for all the people, dahil ang mental health po ay hindi biro, na gawa -gawa lang ng mga taong nakaka-experience nito.

“Personally ay biktima rin ako ng mental health issue. And my mom has a bipolar, and I know what exactly how it feels na may mga ganyang klase sa households.”

Sa tanong kung ano ang ginagawa niya para mapaglabanan ang ganyang anxiety, ang sagot niya,

“i’ll go running, “

Congratulations Alden.

Samantala, si Rochelle Pangilinan naman ang tinanghal na Best Single Performance by an Actress para rin sa isang episode ng Magpakailanman.

Napasigaw si Rochelle ng,”Aktres na ako, God!’ bago ang kanyang acceptance speech. Ito ay dahil sa sobrang kaligayahan sa pagkapanalo niya.

At kung sinabi niya na aktres na siya, gusto niya lang sigurong iparating o sabihin sa mga tao, na mahusay siyang artista, at hindi ‘yung basta umaarte lang sa harap ng kamera.

In fairness, mula sa pagiging dancer patungo sa pag-aartrista, napatunayan ni Rochelle na kaya niya rin ang umarte at hindi lang pagsasayaw ang alam niyang gawin, ‘di ba?