Advertisers

Advertisers

DEREK PINAKITA ANG DNA TEST NG ANAK NA SI LIANA

0 21

Advertisers

Ni Beth Gelena

HINDI mapigilang magreak ni Derek Ramsay sa kumakalat na fake news sa social media tungkol sa anak nila ni Ellen Adarna.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Derek ang screenshot mula sa isang Facebook post na diumano’y naglalaman ng DNA test niya at ng anak nilang si Liana kasama si Ellen.

“Stop spreading lies about my family!” sambit ni Derek. “Lily is my daughter, and Ellen is a loyal wife!”

“I don’t know how you can sleep at night spreading lies like this!” dagdag pa niya.

Well ang dami talagang lumalabas na fake news hinggil sa mag-asawa.

Meron pa ngang nag-file na umano ng divorce ang aktor para maging legal daw na ang kanilang paghihiwalay.

Ikinasal sina Derek at Ellen noong Nobyembre 2021.

2024 naman nang ipanganak ni Adarna si Liana.

May isa pang anak si Derek, ang panganay na si Austin sa dati niyang wife, gayundin si Ellen na may isa na ring anak sa dating partner na ai John Lloyd Cruz.

Ang tsismis sa celebrity couple ay hindi matigil hanggat hindi sila nagsasalita kung ano nga ba ang real score ng kanilang relasyon.

Pawang haka haka lamang ang lumalabas na pinagkikitaan ng mga content creator.
***
SARAH NAGREAK SA TUBIG

NAKUHA ni Sarah Geronimo ang atensyon ng online community dahil sa kanyang komento hinggil sa campaign ad ni Dra. Vicki Belo.

Dalawang dekada na si Sarah sa industriya.

Mula sa pagkapanalo sa Star For A Night singing contest nang umusbong ang kanyang career sa showbiz.

Bukod sa kilala siya bilang singer, hinahangaan din siya bilang artista.

Sa isang video na nai-post sa opisyal na Instagram page ng celebrity doctor na si Vicki Belo, nagbahagi si Sarah ng isang masiglang pahayag. Isa lang ang singer-actress sa maraming celebrity endorsers ng beauty clinic ni Vicki.

Ang video ay kinunan sa isang endorsement event kung saan ang mister ni Dra. Vicki na si Dr. Hayden Kho ay nagpapaliwanag tungkol sa ceramide.

Aniya, tatatakin nito ang kabuuan ng balat para ma-trap ang tubig.

With this, Sarah said, “Pero yung kalsada dun dok hindi naa-absorb yung tubig,” na pumukaw sa audience.

Dagdag pa ng Popstar Royalty, “kasi tinipid.”

Pero, bumawi naman ang ainger-actress, “pero ang Belo products are hindi tinitipid.”

Natawa sina Vicki at Hayden sa sinabi niya habang patuloy na nagsisigawan ang mga tao.

Sa comment section ng post, umani ng papuri si Sarah mula sa netizens. Hinangaan nila ang tapang na pagsasalita ng misis ni Matteo Guidicelli kahit kaunti tungkol sa isyung flood control sa Pilipinas. Pinag-uusapan ng online community ang diumano’y maanomalyang mga proyekto sa pagkontrol sa baha sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na hatid ng mga umano’y anomalya na kinasasangkutan ng mga “kontratista”.

Komento ng netizens sa tinuran ni Sarah:

“Love it. Parang first time ko marinig si SG maging vocal. about politics kakaproud”

“OMG I’VE NEVER SEEN HER BE THIS VOCAL ABOUT POLITICAL ISSUES! I LOVE THIS FOR HER”

“Once in a lifetime lang yan magsalita ang Queen SG namin pero sapul na sapul forever Belo baby talaga si SG”

“Galing ni Sarah sumegway ng sagot dito tawang tawa ako”
***
ANDI NAALIW SA DOCUSERIES NI PHILMAR

NAALIW si Andi Eigenmann nang mapanood ang fiance na si Philmar Alipayos a Netflix.

Na-feature kasi si Philmar kamakailan sa Netflix docuseries na 1 in 7641.

Hindi napigilan ni Andi na biruin ang longtime partner at tinanong, “Sino ang makeup artist mo dito?”

Hindi namn nakalimutan ni Andi na i-share kung saan mapapanood si Philmar.

Ganyan kasuporta si Andi kay Philmar.