Advertisers

Advertisers

Luis niliwanag ang rason kaya di naging miyembro ng The Hunks

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

TINATAWAG na King of Christmas Carols si Jose Mari Chan.

Pagpasok pa lang kasi ng “BER months” (September 1) ay ang mga kanta niyang Christmas songs ang maririnig sa mga radio stations, malls, at kung saan-saan pa. Lalo na ang pinakasikat niyang classic song na Christmas In Our Hearts.

Pero ayaw ng beteranong singer na matawag siyang King of Christmas Carols o Father of Philippine Christmas Music dahil feeling niya hindi niya ito deserved.

Katwiran niya, marami na raw mga kantang Pamasko na naisulat at sumikat sa Pilipinas, bago pa man siya maipanganak.

“No, no. Long before I was born, there were already many Christmas carols. Cebu, Iloilo, Tagalog, I mean Manila, there were ‘Ang Pasko ay Sumapit,’” pahayag ni Jose Marie Chan sa panayam ni Toni Gonzaga sa kanyang online talkshow sa YouTube na “Toni Talks”.

“Di ba, you know if I’m the only one who has written all the Christmas carols in the Philippines, okay. But I’m not,” aniya pa.

***

KWENTO ni Luis Manzano sa isang panayam sa kanya, naging honorary member daw siya dati ng grupong The Hunks. Ito ay binubuo nina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Bernard Palanca, Carlos Agassi at Jericho Rosales.

Mainstay sila sa ASAP noon, at nagkaroon sila ng sitcom na Bora. Sons of the Beach. Dito ay kasama si Luis.

“Although hindi talaga ako member ng The Hunks, isinama lang ako sa barkada na ‘yun,”sabi ni Luis.
In fairness kay Luis, maganda at malaki rin naman kasi ang pangangatawan niya noon, gaya ng The Hunks.
“Pero ngayon, chunks na ako,” natatawang sabi ni Luis.
Pero bakit nga ba hindi siya naging miyembro ng The Hunks?
“Para mag-shine sila,”birong sagot ng mister ni Jessy Mendiola.
“Siyempre isipin mo, Piolo, Diether, Jericho, BJ, Carlos, tapos ilalagay mo ako?
“Anong mangyayari sa kanila? E, di background sila?
“Defocus pa nga sila, most probably, eh,” natatawa pa ring sabi ni Luis.