Advertisers

Advertisers

Bela at JC chaka ang movie kaya flopsina

0 13

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DUMALO ang mag-ex na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa birthday party ni Dra. Aivee, ang owner ng iniinderso nilang beauty clinic noong Friday ng gabi.

Kasama ni Dom na dumating du’n ang dyowa niya na si Sue Ramirez. Siguradong nagkita sila roon.

Pero ang tanong, nagbatian kaya sina Bea at Dominic, o nagdedmahan sila?

Sa mga pictures na lumabas, wala run na magkakasama sina Bea,Dom at Sue.

May isang kasama sa panulat ang nagsabi na siguradong hindi papansinin ni Bea si Dominic, at iiwasan nita ito. Galit daw kasi ang una sa huli.

Si Dominic daw kasi ang nakipag-break kay Bea, ayon mismo sa aktres sa panayam sa kanya noon ni Boy Abunda.

Sa mga nandu’n sa okasyon, sila ang makapagsasabi kung nagkaroon ba ng dedmahan between Bea and,Dominic.

At kung meron man,siguradong ikukwento nila ‘yun.

***

TSIKA sa amin ng isang kaibigan na nakapanood ng advance screening ng isang pelikula,marami raw ang hindi ito nagustuhan.

Okey naman daw ang akting na ipinamalas ng dalawang bida sa pelikula na sina Bela Padilla at JC Santos. Pareho raw silang mahusay. At posible raw ma-nominate sila for Best Actress and Best Actor respectively sa iba’t ibang award-giving bodies next year.

Yun nga lang,pagdating sa kanilang pelikula ay marami raw itong butas.Kaya hindi ito nagustuhan ng aming kaibigan at ng iba pang nakapanood.

At ang isa pa raw na ikinadismaya nila ay hindi nagkatuluyan sa ending sina Bela at JC. Mas maganda pa raw sana kung happy ending ang pelikula.

Ayon pa sa aming kaibigan, malabo raw na kumita ito, dahil heavy drama ito. Hindi na raw kasi gusto ng mga tao. ang ganoong klase ng pelikula. Feel good movie raw ang bet ngayon ng moviegoers.