Advertisers
PINASOK ng apat na kawatan ang isang hypermarket sa Barangay Alapan 2-B, Imus City, Cavite.
Ayon sa Imus City Police, bukod sa apat na salarin, sangkot din ang dalawang security guard ng grocery na nagsilbing lookout sa nakawan.
Nadiskubre ang panloloob 6:00 ng umaga ng Lunes, at napag-alaman na hinukay ng apat na lalaki ang isang butas na ginamit nilang pasukan papunta sa loob ng Shopwise Lancaster.
Sa loob ng hypermarket, winasak ng mga magnanakaw ang isang e-wallet machine at ang vault sa loob ng money exchange at kinuha ang hindi pa matukoy na halaga ng pera.
Tinangka rin ng mga itong buksan ang isa pang ATM habang nagsisilbing lookout ang dalawang security guard na kilala sa mga alyas ‘Jessie’, taga-Bulilan, Maguindanao; at ‘Ramon’, ng Brgy. Navarro, General Trias, Cavite.
Matapos ang panloloob, tumakas ang mga magnanakaw na muling lumusot sa butas na kanilang ginawa.
Patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng Imus City Police Station sa krimen. (Koi Laura)