Advertisers
Arestado sa isinagawang follow -up operation ang tatlong katao na sangkot sa kaso ng carnapping at illegal detention nang ikulong ang kanilang biktima na nakatakas sa isang hotel sa bayan ng San Rafael, Bulacan nito lamang Setyembre 6, 2025 habang isang babae na kasamahan ng nga suspek na boluntaryong sumuko sa mga pulis sa bayan ng Baliwag.
Sa isinumite ni PLt.Col.Protom E.Guevarra ng San Rafael Pulis kay PNP Provincial Direction PCol Angel Garcillano, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Boss J 35,ng Brgy, Barangka Baliwag, alyas Boss Nap 34 at alyas Kulas35 kapwa residente ng Brgy, Tanawan Bustos, at alyas Monica 33 anyos.p
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis sa biktimang si alyas Jaypee, 42-anyos, joyride driver, ng Brgy. Katipunan, Taguig City sapilitan umano siyang pinigil ng tatlong lalaki at isang babae nang ma-book sa Baliwag City gamit ang ride-hailing application.
Nabatid na pagdating sa bayan ng Marilao, Bulacan, sapilitan nilang kinuha ang minamaneho niya na Toyota Innova at kung saan nagpa-ikot-ikot sila sa bayan ng Baliwag bago ito dinala sa R Traveller’s Inn sa Brgy. San Roque, San Rafael, kung saan siya ikinulong.
Nabatid na nakaligtas lamang ang biktima nang tumalon mula sa ikalawang palapag ng gusali, na nagresulta sa pagka bali ng kanyang binti, kung saan agad tinulungan ng mga staff ng hotel.
Dahil sa boluntaryong sumuko sa Baliwag MPS ang babaeng suspek na umamin sa kanyang partisipasyon at itinuro ang kanyang mga kasamahan.
Na nagresulta sa pagkakadakip ng isang suspek sa Brgy. Barangca, Baliwag, habang nahuli naman ang dalawa pa sa Bustos, Bulacan.
Narekober mula sa isa sa mga suspek ang isang caliber .38 revolver na may apat na buhay na bala.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Rafael Munisipal Police Station ang tatlong (3) lalaking suspek, habang inihahanda na ang kaukulang kasong paglabag sa R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016), Article 268 ng RPC (Serious Illegal Detention), at Article 308 ng RPC (Theft).(Thony D. Arcenal)