Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGHAHANAP si David Licauco ng mga insight mula sa beteranong mamamahayag para sa bagong serye nilang gagawin ni Jillian Ward, ang Never Say Die.
Naghahanda si David para sa kanyang role bilang isang investigative vlogger.
Nakipag-meeting ang actor kay Orly Trinidad ng Super Radyo dzBB para makakuha ng mga points bilang isang mamamahayag.
Nalaman ni Licauco na ang paghahatid ng isang balita ay dapat na iayon sa publiko na lumalampas sa stereotype ng isang malalim at tuwirang boses upang kumonekta sa mga nakababatang henerasyon. Ang serye ay proyekto ng GMA Public Affairs. Nagsasagawa ng hands-on approach ang si Licauco sa kanyang paghahanda para sa paparating na serye.
Para sa kanyang karakter, humingi ng gabay si David mula sa isang beteranong mamamahayag upang maunawaan ang mga nuances ng propesyon.
Upang matiyak na makatotohanan ang kanyang pagganap, nakipagpulong siya sa beteranong mamamahayag na si Orly. Binigyan naman siya ni Trinidad ng mahahalagang insight at “pointers” sa craft ng broadcast journalism. “Nag-meeting kami ni Boss Orly Trinidad ng DZBB; napaka-insightful niya,” ani David.
Marami raw siyang natutunan sa kanilang konsultasyon, partikular na tungkol sa kahalagahan ng pag-angkop ng paghahatid ng isang tao sa isang partikular na madla.
***
FOLLOWERS NI SHUVEE MALAPIT NA MAG-2M
Ani Shuvee Etrata sa kanyang posted photo/video, “this is it!”
Grabe, hindi nga naman maitatatwang napakaganda ng The Rising Star sa kanyang posted video.
May fans niya ang nagsasabing very familiar ang nakapost na video ng aktres.
Anila: “familiar yung inspirational ng video”
“Yes sa old video niya sa TikTok”
“Old tiktok ni shuvee yung nagviral kasi sobrang ganda niya dun kahit naka android pa siya”
“Yeah the iconic tiktok niya”
Ang background ng music ay Malamig, “pero mainit wahhh”
“Soo cool yet so hott”
“Kelan ang fan meet, “Nov po”
“Lapit na s 2M followers si bebe so prouddd”
“Aura farming”
May nagbiro, “hindi pa anak ng contractor yan ha pero maganda na”
May Ganun? Hahaha
***
JOEY DE LEON PINATAMAAN MGA KONTRATISTA
MAY patama si Joey de Leon sa mga kontratista.
Maging si Henyo Master ay natawa sa mga “patama” niya laban sa mga kontratista sa gitna ng isyu sa flood control project.
Kilala si Joey sa kanyang matalinong paglalaro ng salita at mga biro na magpapaisip sa netizens.
Sa araw-araw ay nagbabahagi si Joey ng mga nakakatawang kalokohan sa mga co-host niya sa kanilang longest-running noontime show.
Sa isang episode ng noontime show direktang binanggit ni Joey ang “Discaya” nang ma-prompt ang contestant na magbigay ng mga sea animals na nagsisimula sa letter “D.”
Naging trending topic ang apelyidong Discaya matapos tawagin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga beteranong mamamahayag para sa pakikipanayam sa babaeng negosyante sa gitna ng alegasyon na sangkot ang kanyang kumpanya sa umano’y anomalya sa mga flood control projects.
Umani ito ng tawanan mula sa studio audience.
Bukod kay Discaya, binanggit din ni Joey ang mga “kontratista.”
Tapos, sinabi niyang mas mataas daw ang cash prize para sa isa nilang segment.
Kinuha raw ng mga “kontratista” ang ilan sa kanilang pera.