Advertisers
AMINADO si Quezon City Representative Arjo Atayde na nakilala niya ang mag-asawang kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya noong 2022.
Inihayag ito ni Atayde kasunod ng nag-viral sa social media na larawan nilang tatlo na magkakasama, nang idawit ito ng mag-asawa sa umano’y maanomalyang flood control projects ng DPWH.
“Totoo na pumunta sa opisina namin ang mga Discaya. This was around 2022, and we met with them just like any visitor to our district office,” saad ng kongresista sa isang panayam.
Pero paglilinaw niya, iyon na ang una at huli nilang pagkikita at walang naging usapan tungkol sa anumang proyekto.
“Ito ay isang mabilis na ‘hi, hello’ at pagkuha ng larawan dahil hindi ito isang nakaplanong pagpupulong.
Ito ang una at huling pagkakataon na nakilala ko sila,” ani Atayde. “We never talked anything about any project. At hindi ko pa sila nakipag-usap.”
Una nang itinanggi ni Atayde na hindi totoo ang mga paratang laban sa kanya ng mag-asawang Discaya.