Advertisers

Advertisers

Titser kinatay ng dyowang tomboy

0 18

Advertisers

PINATAY ng kinakasamang tomboy ang isang titser dahil sa nakawalang alagang aso nang magkaroon sila nang mainitang pagtatalo sa Baeangay Tubod, Minglanilla, Cebu, nitong Huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Melanie Lee Lastimosa, guro sa Lawaan Elementary School sa Talisay City, Cebu na nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kinilala ang salarin na si Katherine Retita, 42-anyos, miyembro ng LBTQIA+. Naa-resto na ito ng mga pulis.



Sa report ng Cebu Police, nangyari ang insidente gabi ng Lunes sa tinutuluyang apartment ng mag-live-in partner sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nakalabas ang alagang aso ng tomboy na ikinagalit nito sa kanyang gurong live-in partner, at lumabas ito ng gate upang hanapin ang aso.

Bagaman nahanap ng tomboy ang alagang aso, nagpatuloy ang pagtatalo nila hanggang sa lu-mabas ang tomboy at nag-inom sa labas habang isinara naman ng guro ang pintuan.

Nang kumakatok ang tomboy na nasa impluwensya ng alak, ayaw itong pagbuksan ng biktima kaya nagkunwari itong natuklaw ng ahas kaya binuksan na ang pinto.



Dito na nagalit ang tomboy at muling nagtalo ang dalawa hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang tomboy at pinagsasaksak ng sunud-sunod ang guro.

Nasakote ng pulisya ang sa-larin na ngayo’y nakakulong at nahaharap sa reklamong murder.