Advertisers

Advertisers

CARLA PALAISIPAN KUNG ENGAGED NA

0 22

Advertisers

Ni Beth Gelena

Pasok sa top 8 ng MMFF 2025 entry ang horror movie na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins mula sa Regal Entertainment kung saan isa sa lead role si Carla at dito nga siya natanong tungkol sa kanyang personal life.

Siyempre pa, kinuyog ng mga media pipol nang makita si Carla para hingan ng reaksyon sa nababalitang ikakasal na siya sa isang doktor sa darating na December 27.

At first ay kinumusta muna ang puso ng aktres.

“Of course! Ang dami kong aso. I finally moved into my dream house. Masaya ako, kasama ang family ko.”

“Nakakapag-date ako. So, masaya. Masaya sa work, masaya sa private life,” ani Carla.

Ang follow-up question ay kung may very special someone na nagpapaligaya sa kanya ngayon, “Sabi ko naman po, nagde-date po ako. So, hindi po iyan ano. Kumbaga, alam na po ng mga tao iyon.

“Nababanggit ko na po sa mga interview na nag-try na po akong makipag-date. Nakakailang date na po ako. So, masaya po ako. At least, nakakaya ko na po, na-e-explore ko na po yung ganu’ng side,” aniya pa.

Sinagot na rin niya ang isyung magpapakasal na siyang muli.

“Kung totoo man po iyon o hindi (kasal), of course that’s part of my private life. I would like to keep it private. Sa dami naman po ng aking pinagdaanan na very publicized before, may choice naman po ako, kumbaga, kung ilalabas ko po yun or hindi, if I want to keep it private.

“So, kung may kailangan man po akong sabihin, sa akin po manggagaling yun nang diretso at hindi po sa iba.”

Sa tanong kung engaged na siya, “I invoke my right to self-incrimination. So I refuse to say yes, I refuse to say no.”

***

NADINE AT CHRISTOPHE SINUHULAN NG P50M NG AHENSIYA NG GOBYERNO

How true na sinusuhulan umano umano ang magdyowang Nadine Lustre at Christophe Bariou ng P50-M, huh!!

Ang tanong para saan naman kaya ang panunuhol at sino ang nanunuhol?

Nagyari pala ito sa dalawang personalidad bago ang Eleksyon 2025.

Ani Christophe sa kanyang Instagram account: “Corruption and political greed have been eating away at Siargao for decades.”

Ito ang isiniwalat ng negosyanteng partner ni Nadine sa kanyang Instagram account sa gitna ng proseso ng imbestigasyon sa malawakang korapsyon sa gobyerno.

Ayon kay Christophe, totoong nakaranas sila ng “election bribery” mula sa ilang indibidwal na may kaugnayan sa isang pulitiko sa Siargao kapalit daw ng kanilang pananahimik kaugnay ng kontrobersyal na Union-Malinao Bridge Project.

Isa lang daw ito sa mga anomalya sa Siargao na aniya’y matagal nang nangyayari sa isla.

“Bago ang halalan, ang mga indibidwal na nag-aangking kumakatawan sa ilang mga pulitiko ay lumapit sa amin ni Nadine, na nag-aalok na ‘resolbahin’ ang isyu sa tulay kung magbibigay kami ng P50 milyon na cash,” lahad ni Christophe.

“Nang halatang nabigo iyon, iminungkahi nila, ‘Sumali sa amin at suportahan kami sa mga lokal na halalan na ito at… baka pwede kaming umupo at pag-usapan ang tulay,” pagpapatuloy ni Christophe.

Agad naman daw itong tinanggihan ni Nadine at nag-dialogue ng, “We don’t make deals with corruption… ever.”

“It is now clearer how public money can be turned into a weapon during elections,” sabi naman ni Christophe na walang binanggit na mga pangalan sa kanyang post.

After daw nilang tanggihan ang offer, nagsunud-sunod ang pagsasagawa ng “random inspections” sa kanyang mga negosyo sa Siargao. Bukod pa sa pang-iipit umano ng kanilang business permit.

Sinigawan pa raw ng mga nag-iinspeksyom ang ilan sa kanyang mga empleyado nang irekord ang mga ginawang aksyon laban sa kanila.

Dahil sa nangyayari, nagsampa si Bariou ng reklamo kaugnay ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) para ipaglaban ang pagpapatuloy ng kanilang business operation sa isla na pumabor naman sa kanila.

Ang mainit na isyu ng Union-Malinao Bridge Project, na matagal nang kinokontra nina Christophe at Nadine dahil sa umano’y ecological damage at epekto nito sa mga mangingisda, ay isa lang sa mga pasabog na rebelasyon ni Bariou tungkol sa mga kaganapan sa Siargao.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag ang local government ng Siargao at iba pang ahensiya ng gobyerno hinggil sa mga alegasyon ni Christophe.

Marami ang humanga sa katapangan ng boyfriend ng award-winning actress.

“I hope this will inspire others not to be silent.”

“Thanks for fighting through”

Tanong naman ng isang netizen, “did it happen under Matigas?”

“You and Nadine have always been steadfast and unrelenting in your fight for justice, no matter the odds. When most covered and chose to stay silent, you forged on even when the price to pay was steep.”

Si Christophe ay isang French-Filipino na kahit may cono mentality ay mas nanaig ang pusong pinoy sa kanyang katauhan.

Ipinaglalaban ang alam niya kung ano ang tama.

***

ANNE CURTIS PINAKYAW LAHAT NG BRANDS SA PFW

Talagang si Anne Curtis na ang mapagpalang Dyosa pagdating sa rampahan.

Panibagong OOTD na naman ang kanyang inirampa.

Aniya sa caption: “Sarap na destruction with devotion. The most beautiful kind of undone and utterly divine. At your best, you are love and sacai.”

Imagine pati ang scarf na gamit ng Aussie-Pinay actress ay napansin ng netizens: “scarf is also a paid actor hahahaha and a bird was a paid actor on the other video hahahaha”

“Love all the outfits”
“Love the caption so on brand”
“Hahaha witty and pretty”
“Top taxpayer.. Rampa lang my Queen”
Inihalintulad pa siya kay “Sofia Carlson?? Or Naomi Campbell ba un?”
“Dyosa talaga God bless you”
“Again another ganap”
“Pinakyaw ni Anne all brands at the Paris Fashion Week”
“So chic ans model material indeed!!”
“Paris Fashion Week is more interesting with your presence Dyosa @annecurtossmith pretty excited for more”