Advertisers

Advertisers

MAYOR EMI CALIXTO-RUBIANO NAG-INSPEKSYON SA MGA ESKWELAHAN SA PASAY CITY

0 22

Advertisers

PINANGUNAHAN nitong martes Oktubre 14, 2025 ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pag-iikot sa mga eskwelahan sa Lungsod ng Pasay, kasunod ng direktiba ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng inspection sa mga gusali at silid-aralan bilang preventive measure sa sunod-sunod na pagtama ng lindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ang nakababahalang pagtaas ng influenza-like virus sa mga mag-aaral.

Kasama ni Mayor Emi sa inspection ang OIC City Engineer ng Pasay LGU na si Engr. Johari Rangiris, Department of Education School Division Superintendent Dr. Joel Torrecampo, Public Information Office, at iba pang kawani.

Sinabi ng alkalde na nagkaroon ng 200 kaso ng influenza-like virus cases sa Pasay simula noong Hunyo ngayong taon.

Sa kabila nito, mabilis din umano ang paggaling ng mga pasyente at katunayan, nasa iilan na lamang ang aktibong kaso nito.

Ipinakita ng punong lungsod sa media ang matibay na lamesa ng bawat silid-aralan na kayang protektahan at silungan ng mga mag-aaral sa sandaling magkaroon ng lindol. May tig-isa ring hard hat at emergency kit sa ilalim ng bawat upuan para sa mga mag-aaral.

Kasabay nito nagsagawa ng disinfection ang lokal na pamahalaan sa mga paaralan para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Inatasan din ni Mayor Emi ang mga school administrators na gawing regular ang mysting at disinfection sa mga silid-aralan.

Nakahanda rin aniya ang mga health centers at iba pang health facilities na umalalay sa mga nagkakasakit. Pinatitiyak din ng alkalde na mayroong sapat na supply ng gamot sa oras ng pangangailangan.

Samantala, sinabi ng City Engineering Office na aabutin ng ilang araw ang kanilang inspection sa mga gusali upang masiguro na maayos at wasto ang structural stability ng mga eskwelahan at mga istraktura.