Advertisers

Advertisers

‘SALN NG GOVT. OFFICIALS BUKAS NA SA PUBLIKO!’

0 12

Advertisers

INILABAS na ng Office of the Ombudsman ang kautusan na nag-aalis sa paghihigpit sa pag-access ng publiko sa Statements of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno.

Pinirmahan nitong Martes, Oktubre 14, ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang memorandum circular, na ipinakita ni Assistant Ombudsman Mico Clavano sa press briefing.

Sabi ni Remulla, layunin niyang gawing bukas ang tanggapan sa publiko at maging tunay na “sumbungan ng bayan”.



Noong panahon ng nagretirong Ombudsman Samuel Martires, mahigpit ang pag-access sa SALN kungsaan kailangan ng ‘notarized letter of authority’ bago makakuha ng kopya nito.

Samantala, sinabi ni Pangulong “Bongbong” Marcos na open sa publiko ang kanyang SALN at lahat ng miyembro ng gabinete.