Advertisers

Advertisers

Awol na pulis timbog sa pagnanakaw ng motorsiklo sa pekeng checkpoint

0 242

Advertisers

ARESTADO ang isang pulis na nag- ‘absent without official leave’ (AWOL) sa Da-mariñas, Cavite dahil sa kabi-kabilang reklamo kabilang ang robbery.

Nahaharap ang 42-anyos na dating pulis sa mga reklamo na nangungumpiska ito ng mga motorsiklo na walang kaukulang dokumento sa isang checkpoint at hindi na ito ibi-nabalik.



Hindi agad sumuko ang da-ting pulis at ilang beses na tumakas.

May pagkakataon pa na namaril ito sa mga humahabol na pulis sa police chase sa isang residential area rin sa Cavite.

Nahaharap din ang dating pulis sa reklamong physical injury at sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Napag-alaman din ng ang dating pulis ay lulong sa sugal at ilegal na droga.