Advertisers

Advertisers

P1.5b mega dam project sa Palawan wasak agad

0 10

Advertisers

NAGDULOT ng matinding pagkadismaya at pangamba sa mga residente ang agarang pagkasira ng P1.5 bilyong Iraan-Ibato Mega Dam sa Aborlan, Palawan ilang buwan lamang matapos itong ianunsiyo ng

National Irrigation Administration (NIA) na maaari nang mapakinabangan.

Ikinagulat ni 3rd District Board Member Rafael Ortega ang biglaang pagkasira ng dam, na inaasahang magsu-supply ng tubig sa mga magsasaka ng Barangay Isaub, Sagpangan at Iraan.



Nakapagsimula na sanang magtanim ang maraming magsasaka matapos ianunsyo ang pagdaloy ng tubig, nguni’t nadiskubreng nasira ang dam.

Ang mas nakababahala ay ang posibleng panganib na anurin sila ng 3 milyong cubic meters na tubig sakaling bumigay ang istruktura.

Ayon sa kontraktor ng Green Asia, problema sa pagpapatuyo ng semento dahil sa mga malalakas na ulan ang sanhi ng pagkasira.

Nais ngayong ipatawag ni Ortega sa Sangguniang Panlalawigan ang NIA at iba pang ahensya upang bigyang-linaw ang usapin at hanapan ng agarang solusyon.



Nabatid na sa loob ng 12 taon, ibang kontraktor na rin umano ang humawak sa nasabing proyekto.