Advertisers

Advertisers

Pulis umamin sa pagpatay sa babaeng negosyante

0 23

Advertisers

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang National Police Commission (Napolcom) laban sa isang pulis na pangunahin suspek sa pagpatay sa isang negosyante babae sa Negros Occidental.

Ayon kay Rafael Vicente R. Calinisan, Napolcom Commissioner, inatasan ang Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIES) na magsagawa ng ‘motu propio’ investigation sa kaso ng isang aktibong pulis ng Bacolod City sa pagkakasangkot sa pagkawala at pagpatay sa isang negosyante nang sumuko ito sa mga otoridad.



Nakilala ang biktima na si Kristine Joy Dignadice, 42 anyos, ng Victorias City, may-ari ng isang Hyundai Accent sedan na natagpuan abandonado, at puno ng dugo sa plantasyon ng tubo sa Barangay Gargato, Hinigaran, Negros Occidental noong Oct. 29, 2025.

Ang suspek na 43-anyos na pulis, nakatalaga sa Bacolod City Police Station 5 mobile patroller ng Talisay City, Negros Occidental, ay kusang loob na sumuko sa mga otoridad.

Inamin ng nasabing pulis ang nagawang krimen at itinuro kung saan ibinaon ang bangkay ng biktima, Sabado ng umaga, Nov. 1,2025.

Sasailalim sa pagsusuri ang service firearms ng pulis, habang hinihintay pa ang resulta ng autopsy report upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.(Mark Obleada)