Advertisers
NASAWI ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Barangay Nijaga, Calbayog City, Samar sa paggunita ng All Souls’ Day.
Kinilala ang nasawi na si Rogelio Salvame, 50 anyos, residente ng Bgy. Guimbao-yan Norte, Calbayog City.
Sa ulat ni Lt. Colonel Dinvir Revita, hepe ng Calbayog City Police, lulan si Salvame at ang kanyang 34-anyos na live-in partner ng motorsiklo pauwi sa kanilang taha-nan nang mangyari ang insidente.
Habang bumabagtas ang mag-live in partner sa nasa-bing lugar nang dikitan sila ng nakamotorsiklo ring gunman at paputukan.
Nasapol ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital.
Nasa ligtas namang kalagayan ang live-in partner nito na nagtamo ng gasgas sa katawan.
Nagsasagawa na ng masu-sing pagsisiyasat sa krimen ang mga otoridad.