Advertisers

Advertisers

Kyline Alcantara nagreak sa pagiging retokada, mas matalino at maingat na sa lovelife

0 43

Advertisers

Ni Anne Venancio

DINIIN ni Kyline Alcantara na mas maingat na siya ngayon sa pag-ibig matapos ang ilang beses na pagkabigo sa mga nakarelasyon na sina Kobe Paras at Mavy Legaspi.

Aniya sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, “Set boundaries — sa partner, sa publiko, sa pamilya. Importante, kilalanin mo ang sarili mo.”

Sa ngayon daw ay pinili na niyang maging pribado pagdating sa usapang puso pero….“I will never give up on love. Hindi ako takot maramdaman lahat ng emosyon na ibibigay ni Lord,” aniya pa.

At kung ano ang tipo niyang lalaki? Hindi raw siya tumitingin sa hitsura kundi sa ugali. Mas gusto niya ang mature, mentally stable at marunong rumespeto.

Sa isyung nagparetoke umano siya, aniya, “Okay lang mag-enhance kung doon ka mas magiging confident. It’s your body, your choice.”