Advertisers

Advertisers

LABIS NA KAKULITAN

0 24

Advertisers

HINDI makukuha sa pagiging makulit ang International Criminal Court (ICC). Sa maniwala sila o hindi, hindi pakikinggan ng ICC ang taghoy ng kampo ni Gongdi na dahil tumiwalag na ang Filipinas sa pagiging kasaping bansa ng ICC, walang hurisdiksyon ang ICC na isailalim sa kanilang proseso si Gongdi.

Iginiit ng kampo ni Gongdi na marapat na pakawalan ang matandang baliw sa piitan ng ICC sa Scheveningen, Olanda. Walang poder ang ICC na ikulong siya doon, anila, dahil hindi na kasapi ang Filipinas sa ICC. Nagpapatawa sila. Walang katapusan at hangganan ang kanilang kamangmangan sa isyu.

Kinumpirma ng ICC ang poder at hurisdiksyon na litisin ang crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasapakat sa ICC. Nagbaba ang ICC ng 32-pahina desisyon noong ika-23 ng Oktubre kung saan kinumpirma ng ICC na may poder at hurisdiksyon ang ICC na litisin ang krimen umano ni Gongdi na nangyari nang kasaping bansa ang Filipinas ng ICC mula ika-1 ng Nobyembre, 2011 hanggang ika-16 ng Marso, 2019.



Tinanggihan ng desisyon ng ICC ang katwiran ng mga abogado ni Gongdi na hindi maaaring magkaroon ng ng hurisdiksyon ang ICC dahil hindi na kasaping bansa ang Filipinas nang bigyan ng daan ng ICC ang paglilitis noong Setyembre, 2021.

Labis ang kakulitan ng mga manananggol ni Gongdi at paulit-ulit ang kanilang katwiran na wala ng poder ang ICC sa Filipinas dahil hindi na ito kasaping bansa. Ito ang estratehiya ng kanyang manananggol. Hanggang maaari huwag paharapin sa paglilitis si Gongdi dahil madidiin lang ito sa kanyang mga krimen sa sambayanang Filipino.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nila nauunawaan na iba ang ICC. Ang tingin nila, husgado ito sa Davao City na kaya nilang bilhin o kaya takutin ang hukom. Labis ang kakitiran ng pag-iisip ng mga kaanak ni Gongdi. Ang buong akala nila, luluhod sa kanila ang ICC.

***



HANGGANG maaari ay hindi ko sineseryoso si Vince Dizon, ang kasalukuyang kalihim ng DPWH. Ngunit siya ang kalihim ng flagship ng corruption sa bansa. Wala akong katwiran na kontrahin ang kanyang sapantaha o ipagwalang bahala ang kanyang sinabi na maraming nilalang ang makukulong at magpapasko sa kulungan.

May batayan ang kanyang paniniwala. Isa siya sa mga mataas na opisyal na nakasaksi ng kalokohan sa gobyerno. Batid niya ang kabuuan at detalyadong takbo ng proseso ng katarungan. Umiikot ito. Hindi ito titigil. Batid siya kung sino ang mga papasok sa kulungan.

Totoong umiikot ang gulong ng katarungan at sinusubaybayan ito ng bansa. Marami ang naiinip dahil mabagal ang usad. Nais nila na makulong ang marami sa mga sangkot sa katiwalian. Ibang klase ang katiwalian ngayon. Hindi lang ilang milyong piso lang ang halaga kundi bilyon bilyon po ang halaga. Totoong naiiskandalo ang sino man nakakabatid.

Kasama ang ilang senador na magpapasko sa bilibid. Silang mga labis na matatakaw sa salapi at walang kadala-dala. Kapag, nakulong si Jinggoy, pangatlo na ito at hindi maaalis ang konklusyon na walang kadala-dala si Jinggoy. Ibang klase. Sobra ang katakawan sa pera. Kaya nakakatawa na lang ang kanyang sinasabi na lilinisin niya ang kanyang pangalan.

***

NAKITA namin ang larawan ni Harry Roque sa social media. Hindi namin alam kung naawa kami o nandidiri. Kasi nanlilimahid na. Mukhang mabaho at hindi naliligo. Hindi kami naaawa sa kanya kasi kagagawan niya sa sarili ang kasalukuyang niyang katayuan. Tumakbo kasi siya sa katarungan ng bansa, kaya mabuting pagdusahan niya ang lahat.

Kung ayaw niyang harapin ang mga paratang sa kanya, sisihin na lang niya ang sarili niya. Maski noong siya ang nasa poder, mapanlait siya. Hindi namin makakalimutan kung paano niya laitin si Leila de Lima. Alam niya na pinagtahi-tahi lang ang paratang kay Leila pero nilait niya ito upang ipakita ang kanyang pagka-alipin ay Gongdi at Sara.

Nahukay ang maraming isyu sa kanya. Nagkamal ng yaman dahil sa pagiging fixer ng mga POGO. May bintang na kasapi siya sa human trafficking. Nabisto rin ang pinagkakaingatan niya at ibibintang sa kanya – ang kalaguyo.