Advertisers

Advertisers

No. 1 Regional Most Wanted sa Calabarzon nalambat sa Batangas

0 15

Advertisers

NASAKOTE ng mga otoridad ng San Luis Municipal Police Station at ng Provincial Intelligence Unit ng Batangas Provincial Police Office ang Rank number one Regional Level Most Wanted Person ng Calabarzon na may kaso ng paulit ulit na panggagahasa na nagtatago sa Barangay Banoyo, San Luis, Batangas, habang nasa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Undas noong Sabado November 1, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Charlie,” 48-anyos, residente ng Taal, Batangas,

Ayon sa ipinadalang report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa opisina ni CALABARZON Police Regional Office 4A Director P/Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, nadakip ang suspek matapos na ipag utos ng korte ng Regional Trial Court Branch 5 sa Batangas sa pamamagitan ng ipinalabas na warrant of arrest.



Pansamantalang nasa kustodiya na ngayon ng San Luis Holding and Detention Facility ang suspek na mahaharap sa mga kaso ng Rape by Sexual Assault, gayundin ang 3 counts ng Acts of Lasciviousness na may mga kaukolang piyansa at Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa sa ilalim ng Republic Act.7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.(Koi Laura)