Advertisers

Advertisers

NU nabitag ang 2nd semis sa UAAP women’s basketball

0 11

Advertisers

KINASTIGO ng defending champion National University ang De La Salle University, 97-67,Linggo para mabitag ang pangalawang Final Four sa UAAP Season 88 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Umiskor si Karl Ann Pingol ng kauna-unahang triple-double ng season sa women’s division — 12 points, 11 rebounds at 11 assists – upang pamunuan ang Lady Bulldogs sa semifinals sa ikalabing-isang pagkakataon.

Ang streak ay nagsimula sa Season 76 sa ilalim ni coach Pat Aquino, inukit ang 10 sunod-sunod na final appearance at walong titulo mula 2014 hanggang 1019.

Umalis si Aquino noong 2022 na ang liga ay naglaro sa bubble dahil sa Covid-19 pandemic.

Pinalawig ng NU ang kanilang winning run sa walo para manateli sa second na 9-1,sa likuran ng walang talo na University of Santo Tomas (9-0).

Kristine Cayabyab nagtapos ng 20 points, five rebounds, three assists at three steals, habang si Aloha Betanio may 18 points, six assists, five rebounds at two steals para sa Lady Bulldogs.

Angel Surada nagdagdag ng 11 points, seven rebounds, five assists at four steals, habang si Dindy Medina at Marga Villanueva umiskor ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

Kyla Go nagdeliver ng 21 points, habang si Kyla Sunga at Paulina Anastacio nag-ambag ng tig-10 puntos para sa La Salle, na nalaglag kapantay ang Adamson University sa fifth place sa 3-6.

Magtatagpo ang NU at Adamson sa Nobyembre 8, sa UST Quadricentennial Pavilion sa Manila.

Habang ang La Salle, haharapin ang third-seeded Ateneo de Manila University sa Nobyembre 9, sa Araneta Coliseum sa Quezon City.