Advertisers

Advertisers

PAGSALUDO SA PCG

0 11

Advertisers

NAISIPAN ko na bigyan din natin ng pagkakataon para pasalamatan ang ating magigiting na kawal ng Philippine Coast Guard (PCG). Dahil ito sa kanilang dedikasyon at katapangang ipinakikita sa pagsisilbi sa bayan.

Bakit ko nasabi yan? Sa kabila ng kakulangan, una na sa sasakyang pangdagat, pangalawa ay sa kagamitan, ang mga kawani ng PCG ay nagsusumikap pa rin na bantayan ang ating karagatan.

Di man kayang sumabay kung sakaling magkaroon ng mabigat na sigalot o’ di pagkakaintindihan, nakahanda ang PCG natin na ipaglaban ang ating bayan at karapatan sa bahagi ng karagatang ating nasasakupan.

Sabi nga ng isang Maritime security expert na si Ray Powell, maituturing ang ating PCG na pinaka-matapang na
coast guard sa buong mundo, kung ang paguusapan ay ang tensiyon sa West Philippine Sea.

Makikita ang kanilang katatagan sa ilan beses na banggaan o’ kumprontasyon nito sa mga sasakyan ng Chinese coast guard o’ kaya’ Chinese maritime militia sa kinakamkam nitong teritoryo natin.

Kahanga-hanga naman talaga ang katapangan at katatagang ipinakikita nitong ating PCG. Kaya nga, kahit wala tayong maibigay na suporta, atin silang pagpugayan at ipaalam sa kanila na tayo ay humahanga.

Yun namang suportang sinasabi ko ay dapat na manggaling sa mga kinauukulan, ang matataas nating mga opisyal, mga mambabatas. Sila ang dapat na naglalaan ng mga ito. Mga kagamitan, sasakyang pangdagat, at mga pagsasanay upang lalo pang lumakas ang ating PCG.

Ikinagagalak ko nga ang mga balita, na ilan sa ating mga mambabatas ay naghain na ng panukala na dagdagan pa ang budget ng PCG.

Capacity-building, ika nga, ang mga ito upang lalo tayong magkaroon ng matatag na PCG.

Sa lahat ng bumubuo ng PCG, kudos sa inyong katapangan at katatagan.