Advertisers

Advertisers

NTF-ELCAC NAKA-BACK-UP SA COMELEC

0 22

Advertisers

NAKASALANG at kasalukuyang dinidinig sa Commission on Elections (COMELEC) ang disqualification case laban sa Kabataan Partylist.

Ang kasong iyan ay matagal nang nakatengga sa COMELEC, at ang pinagmulan niyan ay mismong mga testimonya ng mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na inuugnay ang Kabataan Partylist sa rebelyon o’ insureksiyon.

Kaya naman, ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay naghayag na ng todong suporta nito sa COMELEC, upang mapangalagaan ang ating mga kabataan sa panggogoyo ng CPP-NPA-NDF at Kabataan Partylist.



Nais lamang ng NTF-ELCAC na maprotektahan ang mga kabataang binibilog ang mga ulo nitong mga nagkukunwaring makabayan gaya ng Kabataan Partylist, at kalaunan ay gagawin lamang silang mandirigma o kasapi ng NPA.

Pinabulaanan nga ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto C. Torres Jr. ang mga banat ng partylist, na ang pahayag ng NTF-ELCAC at ang ginagawa ng COMELEC ay utos ng Malacañang.

“The Party-List System Act provides that organizations advocating or supporting armed rebellion may be disqualified. This case simply asks whether Kabataan truly represents the youth or has become a conduit for those who exploit them,” paliwanag ni Torres.

Kapag ang partylist nga naman ay nangloloko na, lalo pa ang binibiktima ay mga kabataan, bakit pa natin ito kakailanganin sa Kongreso? At ang ginagawa at ipinakikita ng task force at COMELEC ay trabaho lamang nila, pangalagaan ang bansa sa mapanglinlang na pamamaraan gamit ang Partylist System.



Kung maipapaliwanag ng Kabataan Partylist, at mapapabulaanan ang mga testimonya ng mga dati nilang kasama na naging opisyal pa ng CPP-NPA-NDF eh di mainam.

Pero ito na ang katotohanan, na kailangan nilang harapin, dahil ang mga testimoniyang inilahad ng dati nilang mga kasapi ay nagpapatunay na magkaka-ugnay ang Kabataan Partylist at CPP-NPA-NDF.

Wala rin puwang sa Kongreso ang mga ganitong mapanglinlang ng partylist.