Advertisers

Advertisers

Rider sugatan sa boga ng sekyu nang sitahin sa maling parada

0 8

Advertisers

Sugatan ang isang motorcycle taxi rider nang barilin ng 43-anyos na security guard nang magtalo sa tungkol sa paradahan sa terminal ng bus sa Cubao, Quezon City noong Linggo.

Ipinakita sa CCTV footage na nilapitan ng sekyu ang 32-anyos na rider dahil nakaharang umano ito sa daanan ng mga pasahero. Nagkaroon ng pagtatalo at suntukan hanggang sa matumba ang sekyu, na sinundan umano ng pamamaril sa rider.

Nagtamo ng tama ng bala ang rider sa tagiliran at dinala sa ospital, habang ang sekyu nagkapasa at hiwa sa tainga na kinailangang tahiin.



Ayon sa pulisya, nauwi sa karahasan ang simpleng pagsita ng sekyu nang tangkaing kunin ng rider ang baril nito.

Naaresto ang sekyu at nahaharap sa kasong homicide, habang sasampahan naman ng physical injury ang rider. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">