Sa tama at katotohanan lang! Atty. Maggie Abraham Garduque Naipanalo Ang 2 Hawak Na Kaso; “Pop Rock Diva” Rozz Daniels Tatanggap Ng Award Sa Manila Intl Achievers Awards 2025
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Isa sa hindi naming nalilimutang kasong naipanalo ng famous pretty celebrity lawyer na si Atty. Maggie Abraham ng ABRAHAM PIMENTEL & ACUNA LAW OFFICE. Yung kay Vhong Navarro na paulit-ulit na sinampahan noon ng kasong rape at acts of lasciviousness ni Deneice Cornejo. Ang resulta na-dismissed ang kaso dahil wala namang talagang rape na naganap. At hayun hanggang ngayon ay nasa kulungan pa rin si Deniece at kasabwat nito na si Cedrick Lee.
Now ay dalawang kaso naman ang naipanalo ni Atty. Maggie. Una ay itong estafa complaint ng GMA Network laban sa kliyente ni Atty Maggie na mga top executives ng Tape Incorporated. Ibinasura ito ng Quezon City Prosecutor’s Office. Inirekomenda ng prosekusyon na i-dismiss ang reklamo ng GMA-7 laban sa Tape Inc “for failure to establish prima facie evidence with reasonable certainty of conviction.” Hayan dahil sa atat makasingil ang GMA sa Tape ay instead na civil case lang ang ganitong kaso ay criminal case ang ikinaso nila laban sa mga Jalosjos. Na-technical tuloy sila.
Saka sa tagal ng Tape Incorporated sa GMA ay daang million o billion na siguro ang kinita nila kay Romy Jalosjos Sr. Dapat nagkaroon naman sila ng konsederasyon, at hindi naman tatakbuhan ng Tape Inc ang dapat nilang bayaran sa Kapuso Network.
Another victory for Atty. Maggie ay ang pagkakapanalo ng actress client niyang si Rita Daniela sa kasong acts of lasciviousness laban kay Archie Alemania na hinatulang guilty kamakailan. Kulong ang hatol ng korte kay Archie at masaya si Rita sa kanyang pagkakapanalo. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga sumuporta sa kanya sa kanyang battle na ito. Labis rin ang pasasalamat ni Rita sa kanyang legal council na si Atty. Maggie na nagtanggol sa kanya sa korte during their hearings. Samantala, last Feb 2025 ay dismissed rin ang kaso ni Sandro Muhlach laban sa mga client ni Atty. Maggie na sina Richard Cruz at Jojo Nones. Hindi kasi napatunayan ni Sandro sa korte kung ginahasa talaga siya ng mga nabanggit na independent contractors. Sa rami pala ng hina-handle na iba’t-ibang kaso ni Atty. Maggie. Busy ang araw niya sa mga hearing. And take note hindi lang dito sa Manila siya may hearing kundi nakakarating rin si Atty. Maggie sa mga probinsya at may hearing rin siya sa mga korte roon. Ganyan karami ang nagtitiwala sa friend naming abogada.
***
Para sa isang Artist, na katulad ni Rozz Daniels, ay achievent na maituturing sa kanyang singing career, ang mabigyan siya ng award. At ang bongga ng award ni Rozz kung saan iginawad sa kanya ang parangal na “International Singer & World-Class Performer” ng MANILA INTERNATIONAL ACHIEVERS AWARDS 2025. Gaganapin ito ngayong November 9, 2025 at 4:00 PM sa Grand Ballroom ng Heritage Hotel Manila. Personal na tatanggapin ni Rozz ang kanyang award at feeling honored siya at napansin siya ng award giving body na ito.
Siyempre, patuloy pa rin ang pagpo-promote ni Rozz, ng kanyang Christmas single na “My One Love On Christmas Day” na parehong pine-play sa “Talk To Me” ni Benny Andaya sa EuroTV Philippines at sa aking solo Vlog sa sarili kong YT Channel na PPA ENTERTAINMENT NETWORK. Infairness, maganda ang feedback sa OPM christmas song ni Ms. Rozz na mula sa komposisyon ng iconic composer na si Doc Mon Del Rosario.
Excited na rin ang ating Pop Rock Diva(Rozz) sa free solo Concert nito na “A Night With Rozz Daniels” sa Viva Cafe ngayong November 25 2025(Tuesday) at 9:00 PM. Maraming surprise si Rozz sa kauna-unahang concert sa Pilipinas na produced nila ng foreigner husband na si Sir David Daniels at ididirek naman ito ni Benny Andaya. Highlight of the concert ay duet nina Rozz at Mon Del Rosario ng Tamis Ng Unang Halik at iparirinig rin nito ang version niya ng Bulong Ng Damdamin, na 80’s hit ni Marissa Tubig. Ire-revive kasi ni Rozz ang song na si Mon Del Rosario rin ang composer. Of course, to complete the show ay kakantahin ni Rozz ang kanyang Christmas single na My One Love On Christmas Day. Sugod na sa Nov 25 sa Viva Cafe na located sa Ground floor ng Cyberpark Tower 1 Araneta City, Cubao, Quezon City. At mag-enjoy sa handog na konsiyerto sa inyo ni Rozz Daniels. She will sings 19 songs for her full concert.
Peter