Advertisers
Kinailangang kalasin ang mga tent ng mga biktima ng lindol sa Cebu dahil sa hagupit ng Bagyong Tino.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Office of Civil Defense Spokesperson Junie Castillo na inilikas ang mga residente sa mas matibay na evacuation centers para maiwasan ang pinsala.
Tiniyak ng OCD na ligtas na nailipat ang lahat, kahit hindi pa tiyak ang eksaktong bilang ng mga naninirahan sa tent cities.
Samantala, pinag-aaralan naman ng DSWD kung dapat pa silang ibalik sa tent cities kapag gumanda ang panahon o tuluyan nang ililipat sa modular shelters. (Gilbert Perdez)