Advertisers

Advertisers

Comelec naglabas ng ‘show cause order’ vs contractors na nag-donate sa mga kandidato

0 8

Advertisers

NAGLABAS ng ‘show cause order’ ang Commission on Elections (Comelec) sa 27 government contractors na umano’y nagbigay ng donasyon sa mga kandidato noong 2022 elections.

Ayon kay Comelec Chairman, Atty. George Erwin Garcia, pinagpapaliwanag ang mga government contractor kung bakit sila hindi dapat papanagutin sa mga paglabag.

Bawal sa ilalim ng batas na tumanggap ng donasyon ang mga kandidato mula sa mga indibidwal o kompanyang may kontrata sa gobyerno upang mapanatili ang patas at malinis na halalan.



Dagdag ni Garcia, itinakda na ng kanilang Political Finance and Affairs Department ang pagdinig kaugnay sa mga kasong ito sa Nobyembre 21.

Ang nasabing departamento ang responsable sa pagsusuri at pagpapatunay ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kandidato.