Advertisers
SUMUKO sa mga kinauukulan ang isang ex-bodyguard ng dating pulitiko na nakapatay gamit ang pistol ng kanyang bayaw na isang retiradong sundalo sa Kidapawan City nitong Linggo, November 9.
Kinilala ang biktima na si Edmund Bautista, isang retired Philippine Army; at ang salarin na si Ramil Morales, dating bodyguard ng isang elected official na nag-retiro narin sa pulitika.
Sa report, agad namatay sa mga tama ng bala ang biktima nang pagbabarilin ng kanyang bayaw na si Morales sa gitna ng kanilang pagtatalo sa gilid ng Bonifacio Street, Kidapawan City.
Agad na tumakas si Morales matapos ang pamamaril, iniwang nakahandusay si Bautista.
Sa ulat ng mga himpilan ng radio sa Kidapawan City, boluntaryong nagpa-kustodiya sa mga opisyal ng Kidapawan City Police Station si Morales at kusang umaamin sa kanyang pagkakapatay kay Bautista.
Kinumpirma ng local government officials sa Kidapawan City at ng kanilang Chief of Police, Lt. Colonel Josemarie Simangan, na sumuko na sa kanila si Morales at nagpahayag ng ka-handaang haharapin ang anomang kasong isasampa laban sa kanya.
May teorya ang barangay at city officials sa Kidapawan City na lango sa shabu si Morales nang gawin ang pagpatay sa bayaw.