Advertisers

Advertisers

Angels wagi vs Solar Spikers

0 7

Advertisers

PINASKIL ng Petro Gazz ang 25-27, 25-13, 25-10, 25-10 wagi laban sa Capital1 Sabado ng gabi sa PVL Reinforced Conference sa Ynares Center Montalban sa Rizal.

Lindsey Vander Weide at Brooke Van Sickle nagtapos ng 22 at 21 points, ayon sa pagkakasunod, at tuloy ang martsa ng Angels sa knockout quarterfinals na may 4-3 record, kasama ang Akari Chargers at Cignal Super Spikers, na parehong may 4-3 card.

Sa kabila ng pagkatalo, nakapasok pa rin ang Solar Spikers bilang No. 8 na seed na may 3-4 na talaan.

“We just kept talking to each other — communication is a big part — and we focused on taking it one point at a time,” Wika ni MJ Phillips, na umiskor ng 19 points at nakuha ang Best Player of the Game award.

Ranya Musa nag-ambag ng six points, Jonah Sabete may apat,at Jules Tolentino,na gumawa ng 27 excellent sets, umiskor ng three points sa isang oras at 47 minutong aksyon.

Bella Belenpinamunuan ng Capital sa iniskor na 18 points off 16 attacks at two aces,habang import Sasha Bytsenko bumakas ng 17 points, 16 attacks at one ace.