Advertisers
HINIMOK ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula nitong Sabado, Nob. 15, ang mga mananampalataya na maging mapagmatyag sa mga natatanggap na impormasyon at sa paglahok sa mga mass gathering kasabay ng malawakang corruption scandal sa bansa.
Hinimok ni Advincula ang mga mananampalataya “to be wise, critical, and discerning” sa pagtanggap ng mga impormasyon at sinabing ang “virus” ng mga kasinungalingan at disinformation ay nakaaapekto sa kakayahan ng tao na matukoy ang katotohanan.
Ang panawagan ni Advincula ay kasabay ng mga nakatakdang anti-corruption rallies simula nitong Linggo, Nobyembre 16, hanggang Nobyembre 18. Kabilang dito ang tatlong araw na kilos protesta ng Iglesia ni Crist