Advertisers

Advertisers

11 NASAWI SA SALPUKAN NG TRUCK AT VAN

0 17

Advertisers

KAAGAD nasawi ang labing-isang katao, at tatlo ang malubhang nasugatan nang salpukin ng isang 14-wheeler truck ang pampasaherong UV Express van at parehong nahulog sa bangin sa tabi ng Maharlika Highway sa Purok 5, Barangay Libod sa Camalig, Albay nitong Miyerkules, November 26, 2025.

Inaalam pa ang pagkaka-kilanlan ng mga nasawi na lulan ng van kasama ang driver na dinala na sa iba’t-ibang punerarya. Kabilang sa mga pasahero ay mga estudyante at dalawang bata.



Nahirapan ang emergency reponders na hugutin sa loob ng nayuping van ang mga biktima, na karamihan ay naipit at nadaganan sa loob sa ma-tinding pagbangga at pagbagsak ng trak pagkahulog sa bangin.

Ang driver at pahinante ng trak, at isang pasahero na buhay pa na nahugot ay mabilis na isinugod sa Bicol Regional Hospital and Medical Center sa Legazpi City.

Sa ulat, 9:00 ng umaga ng Miyerkules, binabagtas ng trak na may plate number RFK-576 na kargado ng mga gamit sa peryahan ang kahabaan ng Bypass Road papasok sa crossing ng Maharlika Highway nang mawalan ito ng preno at bumangga sa pampasaherong Nissan Urban Van (GAJ-6626) na galing sa ba-yan ng Nabua, Camarines Sur at patungong Legazpi City.

Sa lakas ng pagkakabangga, yuping-yupi ang kaliwang bahagi ng van, na dumausdos at nahulog. Sa kamalasan pa, mabilis na sumunod na nahulog ang truck at bumagsak ang unahang bahagi nito sa van, sanhi upang tuluyang madurog ang mga sakay nito.