Advertisers

Advertisers

Alden Richards tigil muna bilang aktor, gustong idirek sina Marian Rivera at Dingdong Dantes

0 23

Advertisers

Ni Anne Venancio

MUKHANG pagdidirek na ang gustong tahakin ngayon ni Alden Richards matapos ang kanyang karanasan bilang direktor sa pelikulang ‘Out of Order’.

Tigil muna ito sa pag-arte para tutukan ang aspeto ng storytelling at paghubog ng mga karakter sa kanyang susunod na proyekto.

Mas gusto nitong paglaanan ng oras at atensyon ang trabaho sa likod ng kamera.

Inamin din ng aktor na gusto niyang idirek ang Primetime King & Queen na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Tom Rodriguez masaya na ikakasal na ang Ex-wife na si Carla Abellana sa iba!

MASAYA umano si Tom Rodriguez sa balitang ikakasal na ang kanyang dating asawa na si Carla Abellana.

Reaksyon niya, ‘Ohhhh…kelan ko lang din nabalitaan and I wish her well, wish them well and yeah! I’m glad that to know that everyone is moving on, we all deserved. Everyone deserves happiness and I’m glad we’re all finally moved on.”

Nilinaw din ng aktor na kasal na siya sa ina ng kanyang anak at masaya ang kanilang married life.

Paborito umano ng kanyang anak ang arroz caldo, at natuwa siya na mabilis na nakapag-adjust sa kulturang Pilipino ang kanyang American wife.