Advertisers

Advertisers

Anne Curtis saksi ang ‘It’s Showtime’ mula sa pagka-dalaga hanggang mag-asawa at maging mommy

0 16

Advertisers

Ni Anne Venancio

ANG pagbabalik bilang host ng ‘It’s Showtime’ at pag-arte ang maituturing ni Anne Curtis na highlight ng kanyang career ngayong 2025 matapos itong magpahinga noon para pagtuunan ng oras ang kanyang pamilya.

Pahayag ni Anne, “There’s so many blessings. This year was my comeback on TV and I also started filming again.”

At kahit na 20 taon na siya sa industriya, aminado ang aktres na marami pa rin umano siyang new discoveries.

At sa ika-16 na anibersaryo nga ng ‘It’s Showtime,’ nasaksihan ng publiko ang mahahalagang yugto ng personal na buhay ni Anne.

“Coming from being a single girl, getting married, having a baby, that all happened in the past 16 years of Showtime. So there are too many core memories,” pag-amin ng akres.

Nadine Lustre tinanggap ang mother role sa ‘Call Me Mother’ makatrabaho lang ulit si Vice Ganda

Isang “full circle moment” para sa award-winning actress na si Nadine Lustre ang muling makatrabaho si Vice Ganda sa pelikulang ‘Call Me Mother,’ isa sa 8 entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 sa direksyon ni Jun Lana.

Ayon kay Nadine, agad niyang tinanggap ang pelikula kahit pa hindi pa niya alam ang kanyang magiging role. Huli na raw sinabi sa kanya na ang gagampanang karakter ay isang ina.

Aminado ang aktres na nagdalawang-isip siya noong una, pero mas nanaig ang kagustuhan niyang makatrabaho ulit si Vice Ganda na una na niyang nakasama sa pelikulang Petrang Kabayo (2010) at Beauty and the Bestie (2015).

At bilang paghahanda sa kanyang role, naging inspirasyon ni Nadine ang mga kaibigang maagang naging magulang, pati na rin ang kanyang sariling ina na 21-anyos lang noong ipanganak siya.

Pag-amin ng aktres, mas lalo niyang naunawaan ngayon ang bigat ng responsibilidad ng pagiging isang ina dahil sa karakter na ginampanan niya.

Samantala, aminado si Vice na malaking hamon sa kanya ang mga dramatic scenes at malaking tulong umano si Nadine upang maipakita niya nang maayos ang kanyang performance.

Kasama rin sa ‘Call Me Mother’ sina Lucas Andalio, Mika Salamanca, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, MC Muah, John Lapus, Carmi Martin at Chanda Romero. Showing na sa mga sinehan sa Disyembre 25.