Advertisers

Advertisers

BAGONG CHRISTMAS SONG NI RONNIE LIANG PANALO!

0 126

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Panalo ang bagong Christmas song ng guwapong male balladeer/piloto at army reservist na si Ronnie Liang, at ito ay walang iba kundi ang “A Perfect ChrIstmas” na orihinal na inawit at pinasikat ng music icon na si Mr. Jose Mari Chan.

Paano ang areglong ginawa ni Ronnie sa remake niya ng “A Perfect Christmas”?

Lahad ng male balladeer,” Wala pa ring tatalo sa version ni Sir Jose Mari Chan iba pa rin iyon.

“Sa akin naman mas ginawa kong 2025 version,” at tumawa si Ronnie.

“In a way na mas iba ang tunog, hindi masyadong, I mean… basta iba ang tunog, pakinggan niyo na lang ho.”

Mas mabilis ba o pareho lang ang beat at melody?

“Same lang ang melody, nag-iba lang ng konti yung speed yung tempo, and yung musical arrangement. Tsaka yung cover ng song tsaka medyo bata yung kumakanta, iba yung rendition, yung vibe.”

Available na ito sa lahat ng digital music platforms tulad ng iTunes, Spotify at Apple Music.

Artist ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie at kaka-renew lamang niya ng panibagong kontrata.

“Nag-expire lang last October then ni-renew nila ako.”

Bakit wala siya sa Sparkle Trenta, ang 30th anniversary concert ng Sparkle kamakailan?

“Nagkaroon ng confict sa schedule,” paliwanag ni Ronnie.

Dapat raw ay duet sila ni Anthony Rosaldo sa opening ng show, pero dahil nga sa scheduling conflict, hindi nakapunta si Ronnie kaya solong nag-perform si Anthony.

Tapos na sa pag-ere ang Akusada sa GMA kung saan naging parte si Ronnie, at may kasunod na raw siyang gagawing teleserye.

“Meron silang pine-prepare pero hindi ko pa masabi hangga’t hindi, baka maiba. Pero sabi meron silang inaayos.”

Samantala, tuloy ang pagtulong ni Ronnie sa mga may may cleft lip at cleft palate o bingot sa pamamagitan ng kanyang Ronnie Liang Project Ngtit Foundation.

Dagdag pa na proyekto sa naturang foundation ni Ronnie ang pagpapaopera sa mga taong may katarata kung saan paooperahan rin ni Ronnie ng libre ang mga may katarata, kabilang na ang tsek ap at lente na gagamitin sa mata.

Katuwang dito ni Ronnie ang San Fernandino General Hospital sa San Fernando, Pampanga.

Mahigit isang daan na ang natulungan nilang may katarata at mahigit namang limang daan sa mga may cleft lip palate o bingot.

Two and a half years na ang Project Ngiti Foundation na may tagline na Balik Linaw Balik Ngiti Libreng Operasyon Alagang Lagi, at kahit tagasaan, kahit ano ang edad ay tutulungan ni Ronnie.

Sa mga nais matulungan ni Ronnie ay bisitahin lamang ang Facebook page ng Ronnie Liang Project Ngiti Foundation.