Advertisers
IPINAHAYAG ni dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na nag-file siya ng ‘complaint’ sa pulisya laban sa hindi nakilalang lalaki na nakakomprontahan niya sa isang viral video sa isang mall sa Makati.
Nagsampa si Guanzon ng kaso ng ‘unjust vexation’ at ‘grave oral defamation’.
Sinabi ni Guanzon na pagod at hindi maganda ang pakiramdam niya nang mangyari ang insidente.
Sa viral video, kitang-kita si Guanzon na galit na kinokon-front ang lalaki: “Hindi ka nga naka-Rolex! Hindi ka nga naka-Gucci!… I want your name!”
Giit ni Guanzon, nagsimula ang pagtatalo matapos siyang pagtawanan ng lalaki dahil hindi siya nagsuot ng mask.
“Sabihan ba naman niya ako sa Rockwell Mall, ‘You’re coughing, you should leave the mall, you should stay at home.’ Doon ’yun nagsimula. At saka ang dami kong kilala doon sa Rockwell Mall, kilala ko sila, kilala nila ako,” ani Guanzon.
Sinabi niya na napahiya siya dahil sa ginawa ng lalaki at nakaramdam ng hindi makatarungang pang-aalipusta sa mall.