Advertisers

Advertisers

TONI TALKS Ng Most Awarded TV Host Toni Gonzaga Ikinukumpara Sa Talk Show Sa Hollywood; “Nang Dahil Sa Pag-Ibig” Ni Singer Songwriter Pauline Cueto Pasok Sa Top Lists Ng Bagong OPM

0 28

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma



Bukod na isa ang “TONI TALKS” ng Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa most watched at best talk shows. Naikukumpara rin ang said talk show ni Toni sa talk show ni Jennifer Hudson na “The Jennifer Hudson Show” sa Hollywood. Mula noon hanggang ngayon ay sobrang husay at galing ni Toni na magdala ng sariling talk show. Na bawat episode ng TONI TALKS” ay hindi ka pwedeng di ma-carried away dahil sa totoong kwento ng buhay ng guest ni Toni mapa celebrity man o ordinaryong tao bawat episode nito. Lalong-lalo na yung kwento ng buhay ni Jerry Tuazon na sa isang iglap ay nawalan ng asawa at anak at mga kaibigan dahil sa aksideng kinasangkutan sa SCTEX noong May 1, 2025 na tanging si Jerry lang ang survivor. But inspite of what happened to him, he’s moving on at never nitong kinuwestiyon si Lord. Kuwento naman ng wrongfully imprisoned for 2 years ang inilahad ni Daniel Quisa-Ot kay Toni, na nakapagtapos ng pag-aaral sa kulungan at isa ng certified engineer. Patok rin ang latest interview ni Toni kay Joey “Tsong” Marquez. TONI TALKS, is Reality Talk show na patuloy na namamayagpag sa Youtube. Mapapanood ito sa YT Channel ni Toni na TGS o Toni Gonzaga Studio. At meron ng 8.17 million(and still counting) subscribers ang TONI TALKS, at super impressive ang millions of views nito bawat episode. Ilan beses na ring naparangalan si Toni ang kanyang solo Talk Show na produced nila ng husband si Direk Paul Soriano.

***



Super talented itong singer-songwriter na si Pauline Cueto na mga nasa likod ng boses ng Perla Pure, endorsed by Jodi Sta. Maria at Maja Salvador Keratin Plus endorsement na viral ang pagkanta ni Pauline ng jingle nito na ‘May Plus, May Plus.’ Yes si Pauline ang sumulat ng lyrics ng jingle at siya rin ang kumanta. Bukod sa Perla at Keratin ay marami pang nagawa na jingle comnercial si Ms. Cueto. Pero kahit na, indemand si Pauline sa paggawa at produce ng jingles ay hindi pa rin nito pinapabayaan ang kanyang singer, na kanyang first love. Di ba, ipinag-produced pa siya(Pauline) ng late Dad na si Sir Andy Cueto ng CD Album na dalawa sa popular cuts ay “Dreamboy ng Buhay Ko” at christmas song na “Real Christmas.”

Nag-release din si Pauline ng bago niyang single na “Paulit-Ulit.” At pasok naman sa Top Lists ng BAGONG OPM ang revival niya ng “NANG DAHIL SA PAG-IBIG” ni Tootsie Guevarra. At mapapa-wow ka sa ganda ng version nito na tunog Gen Z. Si Pauline Cueto rin ang itinuturing na Prinsesa ng Fusion na malaganap na Philippine Music Festival. Infairness marami siyang fans and supporters rito.