Advertisers

Advertisers

Alden Richards aminadong na-burnout sa karir, greatest fear ang tumanda mag-isa

0 17

Advertisers

Ni Anne Venancio

Sa loob ng 15 taon sa showbiz, aminado ang aktor na si Alden Richards na hindi naging madali ang kanyang karera.

Nakaranas umano ito ng “mild burnout,” o matinding pagod at kalituhan na muntik nang maging dahilan ng kanyang pag-quit.

Pahayag ng aktor, “Umabot sa puntong kinuwestyon ko kung saan ba talaga papunta ang buhay at ang karera ko.”

Naisip din daw ng aktor na bumalik nalang sa pag-aaral.

Bukod sa burnout, inamin din nito ang kanyang greatest fear. “Siguro, my fear is, I might grow old alone kahit na naranasan ko ang sumikat,” pag-amin ni Alden.

Sa kabila ng kalungkutan at mga pagsubok na pinagdaanan, naniniwala si Alden na ginagabayan siya ng Diyos at may mga bagay na nararapat para sa kanya. “Di ako nakakalimutan lagi ni Lord to bring me back again to my feet,” diin pa niya.