Advertisers

Advertisers

Abogado patay sa ambush

0 17

Advertisers

NASAWI ang isang certified public accountant (CPA)-lawyer nang ratratin ang kanyang kotse sa Mandaue City nitong Huwebes ng umaga, Disyembre 11.



Kinilala ang biktima na si Atty. Duke Ramil Perral Lincuna, na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kaagad siyang dinala sa Mandaue City District Hospital nguni’t idineklarang dead on arrival.

Ayon sa Mandaue City Police Office, binuntutan ng riding in tandem ang kotse ni Lincuna sa Sacris Road, Barangay Bakilid.

Narekober ng mga pulis ang 11 basyo ng mga bala ng hindi pa natutukoy na baril sa pinangyarihan ng insidente.

Kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagkasawi ni Lincuna.

“Violence of this nature unsettles not only the legal community but the public’s confidence in the justice system. At a time when questions inevitably arise, it is essential that the facts be established through lawful means,” anang IBP sa isang pahayag.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon sa krimen ang pulisya.