Advertisers

Advertisers

Manyakol hulicam, ‘nambenbang’ ng baboy

0 27

Advertisers

Umani ng matinding batikos at pagkondena mula sa netizens ang isang binatilyo na na-videohan habang gumagawa ng kahalayan sa isang baboy sa bukid.

Ibinahagi ang nasabing video sa Instagram ni Raymart Gil na mula sa Davao Oriental. Sa footage, makikita ang binatilyo na nasa isang bukirin at nasa likurang bahagi ng baboy.

Nang mapansin ng binatilyo na kinukunan siya ng video, agad siyang huminto, napayuko, at kinuha ang kaniyang mga gamit.



Makikita rin sa video na mabilis siyang tumakbo palayo mula sa lugar habang bahagyang nakababa ang kaniyang suot na shorts.

Matapos kumalat ang video, agad itong nagdulot ng galit at pagkabahala sa mga netizens, na marami ang nagpahayag ng pagkondena sa umano’y ginawa ng binatilyo.



“Dapat kasuhan ‘yan. Hindi tama ang ganyang gawain.”

“Walang lugar sa lipunan ang ganyang klaseng asal.”



“Pambihira mas baboy pa ang tao kaysa sa baboy!”

“Kung makakapagsalita ‘yung baboy, for sure papalag ‘yon.”

“Dapat ipakapon ‘yung lalaki!”

“Tf na tinabihan niya talaga ‘yung baboy at humiga? Ang baboy!”

“Ano na kuya? Walang-wala na ba?”

May ilan ding netizens ang nanawagan na huwag basta magpakalat ng video at igalang ang due process, lalo na’t menor de edad umano ang sangkot, ayon sa ilang komento.

Hanggang sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa mga awtoridad kaugnay sa insidente, at hindi pa rin natutukoy ang pagkakakilanlan ng binatilyo.

Patuloy namang hinihikayat ng ilang netizens ang kinauukulang ahensya na magsagawa ng imbestigasyon upang malinawan ang pangyayari at matukoy kung may nalabag na batas.

Matatandaang nakasaad sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1998 ang nagbibigay proteksyon sa hayop laban sa pang-aabuso, kalupitan, at iba pang uri ng karahasan. Kasama sa ipinagbabawal nito ang acts of sexual abuse against animals, kaya’t ang pakikipagtalik sa hayop ay ilegal at may parusa.