Advertisers

Advertisers

Suspek sa murder huli sa hot pursuit ops

0 10

Advertisers

Halos umabot sa dalawampu’t apat na oras mula ng maganap ang pamamaril na ikinimatay ng lalaking biktima sa isang gasolinahan, sa kahabaan ng Cagayan Valley road sakop ng Brgy. Tabang Plaridel kung saan agad nadakip ng mga pulis via hot pursuit ang suspek na nagtago sa isang hotel sa Cabanatuan City Nuev Ecija.

Sa inisyal na report ni PLt. Col. Kuya Jerome Jay Ragonton kay PNP Provincial Director PCol. Angel Garcillano, nasukol ang suspek na nakilalang si alyas Lupin, 30-anyos ng Brgy. San Pablo Malolos City sa tinutuluyan nitong hotel sakop ng Maharlika Highway Brgy. Accfa sa Cabanatuan 5:30 ng hapon nitong Sabado, Enero 3,2026.



Nakuha mula sa suspek ang isang cal.45 at isang magazine na may pitong bala, maging ang L300 FB van na ginamit na get away vehicle sa pagtakas na recovered din ng Bulacan PNP at Nueva Ecija PPO.
Matatandaang naganap ang pamamaril nito lamang Enero 3, 2026, ala-1:00 ng madaling araw, sa harap ng isang gasoline station sa Brgy. Tabang, Plaridel, Bulacan, na ikinasawi ng 40-anyos na lalaki, residente ng Brgy. Sto. Cristo, Malolos, City.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Plaridel Municipal Jail haba ng inihahanda ang kasong murder sa office of the Provincial Prosecutors ng Bulacan.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">